jump contents Search    living guide English Portuguese Tagalog Chinese Japanese
    home >  GABAY SA PAMUMUHAY SA SASAYAMA > Emergency >AKSIDENTE/NAKAWAN・SUNOG/SAKLOLO 2-a
 ?Ť?S

MGA ILALAMAN
Introduksiyon sa Lunsod
Rehistrasyon ng mga Dayuhan
Emergency 
Ospital  
Araw-araw na Pamumuhay
Kaginhawaan
Pagtratrabaho
Klima at Kultura
Listahan ng Numero ng Telepono
Ibang Impormasyon
 

 

 

AKSIDENTE/NAKAWAN・SUNOG/SAKLOLO 2-a

●Pulis:Tawagan ang 110 kung may emergency


□ Kung may aksidente sa daan, nakawan at iba pang sakuna, tawagan ang pulis sa numero 110.
□ Kung kayo ay tatawag sa pampublikong telepono, hindi na kailangang gumamit ng barya o card.
□ Dito sa Japan, may police box kung saan permanenteng nakadetalye ang pulis. Puwede kayong humingi ng tulong
 sa nawawalang bagay, direksiyon sa pupuntahang lugar at iba pa. Kung walang pulis sa police box, maaaring
 tawagan ang Sasayama Police Department (☎079-552-0110).
□ Siguraduhing tawagan ang pulis kung sakaling may aksidente o sakuna sa daan.
□ Kung kayo ay nasangkot sa aksidente sa daan, isulat ang mga sumusunod na impormasyon ukol sa biktima o may
kasalanan:
・pangalan, tirahan at taong tatawagan
・numero ng plaka ng sasakyan
・insurance company at detalye ng insurance plan
          Mga Kinakailangan para sa Traffic Accident Insurance 
    Pagkatapos tawagan ang pulis, tawagan ninyo ang insurance company.
    Kinakailangan ang katibayan ng aksidente upang makasingil ng insurance kung kaya’t siguraduhin
    ninyong kumuha ng application form mula sa pulis at gawin ang nararapat.

● Bumbero:Tawagan ang 119 kung may emergency


□ Kung may sunog, nasugatan, biglang inatake ng sakit, at iba pang sakuna, tawagan ang bumbero sa numero 119.
□ Kung may sunog, sumigaw ng「kajida」at humingi ng saklolo sa inyong kapitbahay.
□ Bigyan ng signal ang ambulansiya o bumbero kung malapit silang dumating sa inyong lugar.
□ Walang bayad sa paggamit ng ambulansiya subalit babayaran ninyo ang pagpapatingin sa ospital . Huwag
kalimutang magdala ng pera at ang inyong health insurance card.
□ Sa ambulansiya, mayroong listahan (nakasalin ito sa 17 na salitang banyaga kagaya ng Ingles, Chinese, Tagalog,
 Portuguese at iba pa) na kailangang i-fill –up ninyo o kaya ng attendant.
□ Kung ang ospital ay nakasara sa gabi o holiday, maaari kayong tumawag sa Sasayama City fire department head
office(☎079-594-1119)at kayo ay ipapakilala sa isang pagamutan.
    
*Ang 『Mag Importanteng Numero ng Telepono』 ay ipaskil natin sa tabi ng telepono o kaya sa isang lugar na madaling mapansin!

▲Top
篠山市章   Thursday, 09-Feb-2012 01:34:59 JST ▲Top