 
Sa panahon ng
bagyo, lindol, baha
at iba pang sakuna,
ang mga paaralang
elementarya at
pampublikong gusali
ay nagiging
emergency shelter.
Siguraduhing alam
ng lahat ng
miyembro ng inyong
pamilya kung
nasaan ito. Kapag
may emergency
evacuation, huwag
kalimutang dalhin
ang inyong
pasaporte, alien
registration card at
mga iba pang
importanteng bagay.
|
BAGYO/BAHA/LINDOL/PAGSINGAW NG GAS/PAGTULO NG TUBIG 2-b
●Bagyo
□ Malakas ang hangin at ulan kung may bagyo. Ang panahon ng bagyo ay mula Hulyo hanggang
Oktobre.
□ Subaybayan ninyo ang kalagayan ng panahon sa radyo o telebisyon.
□ Iayos ng permanente o ipasok sa loob ng inyong bahay ang mga gamit na nasa hardin o beranda
(kagaya ng basurahan, plorera at iba pa) upang hindi matangay ng hangin.
□ Kung minsan ay nawawalan ng koreyente. Mas maiging maghanda palagi ng kandila o flashlight.
□ Mas mabuting manatili sa loob ng bahay kung may bagyo.
*Kapag lumabas ang babala ukol sa bagyo, maaaring magsara ang mga paaralan at ang
mga mamamayan ay sasabihang manatili sa kani-kanilang tirahan.
▲Top
●Baha
□ Pagkatapos ng tag-ulan o bagyo, mag-ingat sa pagguho at sa pagtaas ng tubig sa mga
ilog.
□ Kung delikado ang sitwasyon, pumunta kayo sa emergency shelter.
▲Top
●Lindol
□ Kung minsan ay nagkakalindol sa Japan. Siguraduhing hindi babagsak ang
mga muwebles gaya ng aparador at iwasang maglagay ng mga gamit sa
matataas na lugar dahil delikado kapag nahulog ang mga ito.
□ Kung may lindol, patayin ang apoy at isara ang heater at
de-gaas na
kagamitan;isara rin ang main switch ng gas.
□ Kung malakas ang lindol, magtago sa ilalim ng mesa at protektahan ng unan
ang inyong ulo.
□ Siguraduhing kayo ay makakalabas kaya buksan ang mga bintana at
pintuan.
Kung ang sitwasyon ay delikado, pumunta kayo sa emergency shelter.
□ Mahalaga na kayo ay manatiling kalmante at subaybayan ninyo ang
impormasyon sa radyo at mula sa city hall.
▲Top
●Pagsingaw ng Gas
□ Ang pagsingaw ng gas ay pinagmumulan ng sunog at
eksplosyon.
□ Kung nangangamoy ang gas, isara ang main valve at buksan ang mga
bintana.
Huwag na huwag ninyong gagamitin ang bentilador. Kung minsan, ang switch
ng koryente ay pinagmumulan ng ignisyon at eksplosyon kaya mag-ingat kayo.
□ Tawagan ang City Hall Gas Department(☎079-552-1111)o kaya ang propane
gas company.
▲Top
● Pagtulo ng tubig
□ Sa winter kung sobrang lamig, nagyeyelo at sumasabog ang tubo.
□ Kapag tumulo ang tubig, isara ang plug na nasa loob ng kahon ng metro.
□ Kung kayo ay nakatira sa apartment o paupahang bahay, ipagbigay-alam ninyo ito sa
may-ari o
tagapamahala; kung sarili ninyong bahay, tawagan ang kompanya ng tubig.
□ Kung hindi ninyo alam ang dapat gawin, maaari kayong tumawag sa City Hall Water Department
(☎079-552-1111).
* Isulat natin ang mga importanteng numero ng telepono sa
『Mag Importanteng Numero ng Telepono』!
▲Top
|