●Pagmamaneho ng sasakyan
Kung kayo ay may driver’s license na galing sa ibang bansa, maaaring ito ay kailangang papalitan ninyo ng Japanese driver’s license.
□ Mga kondisyon sa pagpapalit ng lisensiya
・mahigit 18 taon ang edad
・kinakailangang tumira sa bansang yaon ng mahigit sa 3 buwan
pagkatapos makuha ang driver’s license
・ang foreign driver’s license ay nasa validity period
□ Lugar ng pagpapalit ng lisensiya
・Akashi Driver’s License Examination Center
(Akashi Untenmenkyoshikenjoo)
Akashishi Niyamachoo 1649-2 ☎078-912-1628
・Mayroong dokyumento sa pagsusuri, simpleng written test at
praktikal na driving test.
*Ang written test ay maaari ninyong gawin sa Ingles,
Espanyol, Portuguese, Korean, Persian o Nihongo
(may nakasulat na furigana).
*Para sa ilang mga bansa, ang dokyumento sa
pagsusuri lamang ang kakailanganin.
□ Oras ng aplikasyon
・Lunes hanggang Biyernes, 9:30-10:30 ng umaga
□ Mga Dadalhin
・application form
・foreign driver’s license: nakasulat ang araw ng pagtanggap
・passport: nakasulat ang araw ng pag-alis sa sariling bansa
・photocopy ng alien registration card o katibayan na nakapag
apply na ng alien registration card
・Japanese translation ng foreign driver’s license: ipasalin ninyo ito sa consulate o sa JAF (may bayad)
・examination fee: \2,400, application fee: \ 1,750
□ Pag-renew ng Lisensiya
・Ang validity period ng lisensiya ay 3 taon mula sa kaarawan ng aplikante. Pagkatapos nito, ito ay kailangang
i-renew kada 3 taon (minsan kada 5 taon para sa ekspertong driver)
・Makakatanggap kayo ng postcard mula sa pulis sa inyong lugar (address na nakasulat sa driver’s license) kung
saan ipapaalala sa inyo na kailangang mag-renew ng inyong lisensiya.
*Sa Japan, kailangang kumuha ng written examination at practical driving test upang makakuha ng bagong lisensiya.
*Maaaring kunin ang written examination sa wikang Ingles.
| Upang makarating sa lugar ng eksamen sa oras ng aplikasyon . . . |
| JR Sasayamaguchi |
7:36 ang alis(semi-express train papuntang Osaka) JR Sasayamaguchi hanggang~ JR Akashi \1,450 |
| ↓ |
| JR Amagasaki |
8:36 ang dating 9:00 ang alis(express train papuntang Himeji)magpalit ng train
dito |
| ↓ |
| JR Akashi |
9:34 ang dating Sumakay sa bus No.1 na umaalis mula sa bus stop na nasa gawing hilaga ngistasyon ng tren Bumaba sa Menkyokooshisentaamae o kaya
saMntenmenkyoshikenjoomae↓
|
| ↓ |
| Driver’s License Examination Center
|