jump contents Search    living guide English Portuguese Tagalog Chinese Japanese
    home >  GABAY SA PAMUMUHAY SA SASAYAMA > Araw-araw na Pamumuhay > PAGBILI NG SASAKYAN 4-f
 ?Ť?S

MGA ILALAMAN
Introduksiyon sa Lunsod
Rehistrasyon ng mga Dayuhan
Emergency 
Ospital  
Araw-araw na Pamumuhay
Kaginhawaan
Pagtratrabaho
Klima at Kultura
Listahan ng Numero ng Telepono
Ibang Impormasyon
 
 
Sa panahon ng 
bagyo, lindol, baha 
at iba pang sakuna,
ang mga paaralang
elementarya at 
pampublikong gusali
ay nagiging 
emergency shelter.
Siguraduhing alam
ng lahat ng 
miyembro ng inyong
pamilya kung 
nasaan ito. Kapag
may emergency
evacuation, huwag
kalimutang dalhin
ang inyong 
pasaporte, alien
registration card at 
mga iba pang
importanteng bagay.

 

 

PAGBILI NG SASAKYAN 4-f

● Paraan ng pagbili ng sasakyan

□ Masyadong kumplikado ang paraan ng pagbili ng sasakyan kaya mas maiging bumili mula sa car dealer.
□ Kung kayo ay bibili ng sasakyan sa car dealer, magbabayad kayo ng karagdagang pera (kasama ang
 bayad ng sasakyan, buwis, insurance para sa aksidente, plaka) subali’t ang kumplikadong trabaho
ay gagawin nila.
□ Kakailanganin ninyo ang isang rehistradong hanko (jitsuin – ang rehistrasyon ay ginagawa sa city
registrar’s office sa city hall), katibayan ng garahe o parking lot (shakoshoomei – mag-apply sa opisina
ng pulis kung saan naroroon ang garahe o parking lot).

Indibiduwal na Pagbili at Paglipat ng Sasakyan
Ang paglipat ng pagmamay-ari ng sasakyan at pagpalit ng pangalan sa insurance ay kumplikado at 
Kakailanganin pa ang rehistradong hanko at iba pang papeles. Kung ang paglipat ng pangalan at iba pang
bagay ay hindi ginawa ng maayos, mahihirapan kayo sakaling magkaroon ng aksidente o problema. Mas 
mabuting iwasan ang pagbili ng sasakyan mula sa indibidwal na may-ari. Kung ito ay hindi maiwasan, 
sumangguni kayo sa isang dalubhasa o notaryong pampubliko (may bayad).

▲Top

●Insurance

□ Sa pagpapaseguro ng sasakyan, mayroong compulsory insurance (jibaiseki – compulsory automobile
liability insurance) at optional insurance. 
□ Obligado kayong kumuha ng compulsory insurance kung bibili ng sasakyan.
□ Kung magkakaroon ng aksidente, ang bayad mula sa compulsory insurance ay hindi sapat kaya mas
maiging kumuha pa rin ng optional insurance..

▲Top

 ●Pagsisiyasat sa sasakyan

□ Ang pagsisiyasat sa bagong sasakyan ay ginagawa pagkatapos ng 3 taon at kada 2 taon sa susunod.
□ Ang bayad sa pagsisiyasat (bayad sa aplikasyon, compulsory insurance, buwis, bayad sa pag-aayos)
ay masyadong mahal kaya paghandaan ninyo ito.

▲Top

 ●Buwis

□ Taon-taon ay magbabayad ng ordinaryong buwis para sa ordinaryong sasakyan at compact car tax naman 
para sa maliliit na sasakyan.
□ Ang resibo ng binayarang buwis ay kailangan kapag pinasiyasat ang inyong sasakyan kaya itago ninyo ito.

▲Top

●Child seat

□ Ang mga batang wala pang 6 taong gulang ay kailangang umupo sa child seat.
*Sa Sasayama, may tulong na pera para sa mga nais bumili ng child seat.
▼Maaari kayong magtanong ukol dito sa pampublikong opisina sa city hall ☎079-552-1111

▲Top

●Pagtatapon ng sasakyan

□ Gawin ang tamang paraan sa pagtatapon ng sasakyan.
  ・Kayo rin mismo ang magtatapon sa body ng sasakyan.
□ Kung ibibigay ninyo ang sasakyan sa ibang tao, kailangang ilipat ninyo ang pagmamay-ari nito. 
*Kung hindi ninyo gagawin ang tamang paraan sa pagtatapon ng sasakyan at paglilipat ng
pagmamay-ari nito, patuloy kayong pagbabayarin ng buwis, insurance at iba pa.

▲Top
篠山市章   Thursday, 09-Feb-2012 01:48:22 JST ▲Top