 
Sa panahon ng
bagyo, lindol, baha
at iba pang sakuna,
ang mga paaralang
elementarya at
pampublikong gusali
ay nagiging
emergency shelter.
Siguraduhing alam
ng lahat ng
miyembro ng inyong
pamilya kung
nasaan ito. Kapag
may emergency
evacuation, huwag
kalimutang dalhin
ang inyong
pasaporte, alien
registration card at
mga iba pang
importanteng bagay.
|
TRABAHO 6-a
●Kontrata ng Trabaho
□ Ang kontrata ng trabaho ay pinipirmahan ng empleyado at ng kanyang amo.
□ Ang mga kondisyon sa trabaho kagaya ng deskripsiyon ng trabaho, lugar, oras, sahod at bakasyon ay kailangan
malinaw na ipaliwanag at isulat ng amo para sa kanyang empleyado.
(Ang oras ng trabaho ay 8 oras sa isang araw at 40 oras sa isang lingo at ang bakasyon naman ay isang araw sa
isang lingo. Ang mga ito at iba pang kondisyon sa trabaho ang minimum na itinakda ng batas.)
□ Kumpirmahin ninyo kung kayo ay nakasama sa health insurance ng inyong kompanya kagaya ng nakasaad sa
kontrata. Kung hindi kayo puwedeng sumali sa insurance ng kompanya at kayo ay titira dito ng mahigit sa isang
taon, maaari kayong sumali sa national health insurance pagkatapos maipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi
kayo makasama sa insurance ng kompanya.
▼Para sa mga tanong, tawagan ang City Hall National Insurance and Pension Department☎079-552-1111
□ Mayroong mga regulasyon sa bawat lugar ng trabaho pati na rin ang sistema sa oras ng trabaho, promosyon,
pag-retiro at iba pa.
Kung sakaling magkaroon kayo ng problema, tawagan ang mga sumusunod
▼Hyogo Labor Standards Bureau, Supervision Department ☎078-367-9151
Lunes/Miyerkules 9:30~16:00 (Ingles)
▼Nikkei’s Osaka ☎06-6947-7950
Lunes-Biyernes 9:30~16:30
(Espanyol: Lunes/Miyerkules; Portuguese:Lunes/Martes/Huwebes/Biyernes)
▲Top
●Aksidente sa Trabaho (Workmen’s Compensation Insurance for Accidents)
□Ito ang sistema ng bansa sa pagbabayad sa mga empleyadong naaksidente o nagkasakit sa trabaho o
kaya ay habang papunta at pauwi alling sa trabaho.
□Ang bayad para sa aksidente o pagkakasakit sa trabaho pati na rin ang bayad sa health insurance ay
responsibilidad ng amo o kompanya. Walang anumang babayaran ang empleyado.
▲Top
●Employment Insurance
□Ito ang sistema ng bansa para tulungan ang mga nawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng
allowance o kaya ay pagtulong sa paghahanap ng bagong trabaho.
□Makakatanggap ng unemployment subsidy ang isang empleyado sa buong panahong naghahanap siya ng
bagong trabaho.
□Upang makatanggap ng unemployment subsidy, mag-apply sa Public Employment Security Office
(Hello Work).
▼Hello Work Sasayama Sasayama-shi Gunge403-11 ☎079-552-0092
□Ang bayad sa insurance ay paghahatian ng empleyado at ng kanyang amo o pinapasukang kompanya
(kinakaltas sa suweldo).
▲Top
●Pension Insurance System
□Ito ang sistema ng pensyon para sa pinansiyal na seguridad ng mga matatanda, may kapansanan o namatay,
at ng kanilang pamilya.
□Ang bayad sa insurance ay paghahatian ng empleyado at ng kanyang amo o pinapasukang kompanya
(kinakaltas sa suweldo).
□Sakaling ang isang empleyado ay hindi makakatanggap ng kanyang pension dahil sa pag-alis niya sa Japan
o iba pang dahilan, maaari niya itong tanggapin nang minsanan (lump sum).
* Ang mga hindi makakuha ng pension insurance ay kailangang sumama sa national pension system.
Mayroong mga pamphlet ukol sa social insurance (nakasalin sa Ingles, Hangul, Intsik, Portuguese,
Tagalog at Espanyol) sa City Hall National Insurance and Pension Department(☎079-552-1111.
▲Top
|