●BUWIS
□ Ang mga buwis na binabayaran ay ang income tax, resident’s tax, consumption tax para sa iba’t ibang bilihin,
automobile tax para sa mga sasakyan, real estate tax para sa bahay at lote, at iba pa.
・Ang resident’s tax ay base sa suweldong natanggap sa nakaraang taon, bilang ng sinusuportahan, at iba pa.
Ang porma para sa buwis ay ipinapadala sa mga magbabayad.
□ Sa mga self-employed, sila mismo ang magkakalkula ng kanilang suweldo at babayarang buwis bago nila isumite
ang kanilang final income tax return.
・Ang tax return ay isinusumite tauon-taon sa lokal na tax office mula Pebrero 16 hanggang Marso 15.
□Ang income tax ng mga namamasukan ay ikinakaltas sa kanilang suweldo ng kanilang amo o kompanya base sa
sertipikasyon ng buwis na ikinaltas sa suweldo (certificate of tax withheld).
・Kinakailangang kunin ng mga nag-retiro ang kanilang certificate of tax withheld bago umalis sa trabaho.
・Puwedeng makakuha ng deduksiyon sa buwis ang mga taong nakapagbayad ng malaking halaga para sa
pagpapagamot o kaya ay hindi maiwasang pagkakagastos dahil sa sakuna at iba pang dahilan.
□ Para sa mga tanong, tawagan ang City Tax Department(☎079-552-1111)o ang inyong pinagtratrabahuan.